|
||||||||
|
||
ISANG trahedyang inaasahang magaganap ang nangyari noong isang buwan sa Valenzuela City. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang pangakong hahabulin ang mga taong responsable sa naganap na trahedya. Kabilang sa ipagsusumbong ang mga opisyal ng pamahalaang lokal.
Sinabi ni Pangulong Aquino na ang mga opisyal ng lungsod ay maaaring kasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide at falsification of documents.
Hindi umano nararapat naglabas ng business permit ang Valenzuela City government sa may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation ng walang fire safety inspection certificate.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na kaduda-duda ang kawalan ng fire safety inspection certificate mula 1996 hanggang noong nakalipas na 2014. Nakakuha lamang ang Kentex ng dokumento noong 2012.
Kakasuhan ang mga nagkulang at hindi sumunod sa batas, dagdag pa ng pangulo.
Sa ginawang pagsusuri sa 23 kumpanya sa lugar ng sunog na siniyasat ng Bureau of Fire Protection, walang nakapasa sa government standards at isa ang kinailangang isara pa.
Pinamumunuan ni Mayor Rex Gatchalian ang lungsod. Kaalyado siya ng oposisyon. Si Congressman Sherwin Gatchalian ay naging spokesman ng UNA senatorial slate noong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |