|
||||||||
|
||
Ang Guozigou Bridge ay isang hugis-pilipit na tulay na naitayo sa Guozigou o Fruits Valley, Huocheng County ng Xinjiang. 700 metro ang kabuuang haba ng Guozigou Bridge, at ito'y may taas na 200 metro mula sa ilalim ng lambak. Sakay ng kotseng tumatakbo sa tulay, mag-eenjoy kayo ng magagandang tanawin ng mga bundok sa magkabilang panig, habang may kaunting niyerbyos dala ng taas.
Ang Nalati Grassland, matatagpuan sa hilagang dalisdis ng Nalati Mountain sa Xinyuan County ng Xinjiang, ay tinatawag na "damuhan sa langit." Mahigit 400 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng Nalati Grassland. Ang karaniwang taas nito ay 1800 meters above sea level, samantala ang pinakamataas na bahagi ay nasa 3500 meters above sea level.
Gusto ba ninyo ang lavender? Kung oo, bukod sa Provence sa Pransya, puwede ka ring pumunta sa Huocheng County ng Xinjiang, kung saan may pinakamalaking bukirin ng lavender sa buong Asya, para ilagay ang iyong sarili sa magandang "kulay ubeng dagat."
Ang Jiangbulake Scenic Area ay matatagpuan sa kabundukan ng Qitai County, Xinjiang. Ito ay isa sa mga pinakamabuting lugar sa Xinjiang para masdan ang paglubog ng araw. Kapag nasa mataas na lugar na ito, parang abot ng inyong kamay ang lumulubog na araw.
Ang Tianshan Mountains ay isa sa 7 pinakamalaking kabundukan sa daigdig. Sumasaklaw ito sa purok-hanggahan ng Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Uzbekistan. Mahigit sa 570 libo kilometro kuwadrado ang saklaw ng bahagi ng Tianshan Mountains sa loob ng Xinjiang, at ito ay katumbas sa halos sangkatlo ng kabuuang saklaw ng rehiyong awtonomong ito. Ang Victory Peak na 7,439 metro ang taas, ay pinakamataas na tuktok ng Tianshan Mountains, at ito ay nasa Wensu County ng Xinjiang. Ang niyebe sa mga tuktok ng Tianshan Mountains na hindi nalusaw nitong nakalipas na ilang libong taon ay isang "must-see" na tanawin doon.
Ang Baihaba Village ay matatagpuan sa lambak ng Altay Mountains sa Xinjiang. Ito ay purok-panirahan ng etnikong Tuva nitong mahigit 400 taong nakalipas. Sa tahimik na nayong ito, makikita mo ang mga napapangalagaang likas na tanawin at tradisyonal na kultura ng mga Tuva.
Ang Valley of Apricot Flower ay matatagpuan sa Xinyuan County, Xinjiang. Sa loob ng lambak na ito na may 20 kilometro kuwadradong saklaw, makikita ninyo ang libung-libong ligaw na puno ng apricot flower na namumuhay nang di-kukulangin sa 600 taon. Karaniwan, sa kalagitnaan ng Abril ay namumulaklak ang pinakamaraming apricot flower sa lambak na ito.
Editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |