Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rice research, makakatulong sa mga magsasaka

(GMT+08:00) 2015-06-02 17:51:41       CRI

SINABI ni Secretary Proceso J. Alcala ng Department of Agriculture na makikinabang ang mga magsasakang Filiipino mula sa pagtatangka ng pamahalaang madagdagan ang ani ng palay mula sa lumabas na pagsubok kasabay ng patuloy na suporta sa pananaliksik.

Sa isang briefing na dinaluhan ng mga nagpapatupad ng Food Staples Sufficiency Program, pinuri ni Secretary Alcala ang natamong progreso sa industriya ng bigas at nangakong pakikinabangan ang teknolohiya at pagpapalaganap nito ng mga magsasaka.

Ang pananaliksik ng FSSP ay ipinatutupad ng Department of Agriculture at International Rice Research Institute.

Umaasa si G. Alcala na ang pagtutulungan ay magdudulot ng biyaya sa mga magsasaka at kailangan lamang ng matagalang suporta. Ipinangako rin niyang ipararating ang palatuntunang ito sa kaalaman ng economic managers ng bansa matiyak lamang ang paglalaan ng suporta.

Tiniyak naman ni IRRI Deputy Director General Bruce Tolentino na magpapatuloy din ang kanilang tanggapan sa pagtulong na magkatotoo ang mga layunin ng Department of Agriculture na tumulong sa mga magsasaka at makasabay ng ibang mga magsasaka mula sa ibang bansa.

Inatasan ni G. Alcala ang kanyang technical advisory group na gamitin ang mga natutuhan sa Philippine Rice Information System project upang magkaroon ng information systems para sa iba pang mga pananim. Ipinangako rin niya ang pinag-ibayong inter-agency collaboration upang matulungan ang kapasidad ng agriculture extensionists at pinayuhang dalawin ang Heirloom Rice Project sites sa Cordillera region.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>