|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sikat na Sikat ngayon ang selfie sa iba't ibang antas ng lipuna. Bukod sa mga tao, ang mga hayop ay meron na ring sariling larawan. Tingnan natin kung papaano sila nakunan ng selfie.

Noong ika-19 Mayo, 2015, nang magpakain si Christian LeBlanc, isang 22 taong gulang na Canadian, sa elepante ng saging, sinaklot ng elepante ang camera mula sa kamay niya, at ginawa ang isang litrado ang nakuha mula sa kaganapang ito.

Noong ika-5 ng Hulyo, 2011, naglakbay ang Photographer na si David Slater sa Indonesya. Habang iniwan niya ang camera sa isang parke, pinakialaman ng isang macaque ang kamera at kinunan ang sariling mga funny face.

Noong Abril, 2014, nakuha ng isang 10 buwang gulang na catamount Jaguar ang sariling larawan, pag-aari ang camera ng trabahador ng zoo.

Noong ika-16 ng Disyembre, 2013, kumuha si Kangaroo Bob ng selfie. Ngayon,siya ay naging star sa website ng Australian Tourism Bureau.

Noong ika-17 ng Marso, habang nananaliksik si Perth at kanyang asawa tungkol sa natural na pamumuhay ng mga hayop sa Aprika, kinunan ng isang batang lion ang sariling larawan.

Noong ika-29 ng Mayo, 2014, nahulog ng isang park visitor ang kanyang cellphone sa kulungan ng elepante. Nang ibalik ang cellphone, natuklasan ng may-ari ang dalawang litrato na kuha ng mga elepante. Ang elepante na gumawa nito ay 22 taong gulang na si Latabe, siya ang unang elephant na nagkaroon ng selfie.

Noong ika-31 ng Mayo, 2015, isang squirrel ang lumapit sa camera, nagtataka ang hayop kaya ito'y dinala niya sa taas ng puno. Sa pag-akyat, nakunan ng camera ang larawan niya.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |