Bilang tugon sa walang katwirang pagbatikos ng Hapon at Amerika sa reclamation ng Tsina sa South China Sea, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi gagawin ng Tsina ang mga bagay na labag sa pandaigdig na batas, samantala, tinututulan din nito ang pagpilipit sa pandaigdig na batas.
Sinabi ni Hua na laging binabanggit ng ilang bansa ang pandaigdig na batas habang pinag-uusapan ang isyu ng South China Sea. Pero aniya, walang pandaigdig na batas na nagbabawal sa Tsina na gawin ang makatwirang konstruksyon sa sariling mga isla at reef, walang pandaigdig na batas na nagpapahintulot sa mga bapor at eroplanong pandigma ng isang bansa na magsagawa ng malapit na pagmomonitor sa mga isla at reef ng ibang bansa, at wala namang pandaigdig na batas na nagpapahintulot sa isang bansa na lumapastangan sa soberanya at lehitimong interes ng ibang bansa sa pangangatwiran ng malayang nabigasyon.
Dagdag ni Hua, ang pagpilipit ng ilang bansa sa pandaigdig na batas sa South China Sea ay nagpapakita ng kanilang "double standard," o di-hayag na intensyon sa isyung ito.
Salin: Liu Kai