Idinaos kaninang umaga sa Beijing ang Ika-5 Diyalogo ng mga Ministrong Pinansyal ng Tsina at Hapon matapos mabinbin noong 2013. Ang pagdaraos ng diyalogong ito ay itinuturing na positibong indikasyon sa pagbuti ng relasyong Sino-Hapones.
Nangulo sa nasabing diyalogo si Lou Jiwei, Ministrong Pinansyal ng Tsina, at kanyang couterpart na Hapones na si Taro Aso. Ang mga pangunahing paksa nila ay kinabibilangan ng kabuhayan ng Tsina at Hapon sa ilalim ng kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, bilateral na kooperasyong pinansyal ng Tsina at Hapon, at kooperasyon ng dalawang bansa sa arenang pandaigdig.
Salin: Liu Kai