|
||||||||
|
||
Mountain Ping
Ang Ping Shan o Mountain Ping ay matatagpuan sa Lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina. Sa scenic area ng Mountain Ping, pinakakilala at pinakamaganda ang tanawin ng malalim at makipot na lagusan sa canyon.
Mga larawan ng Mountain Ping at canyon doon
Para marating ang Mountain Ping, kailangang pumunta muna sa Hefeng County sa timog kanluran ng Hubei. Ang Mountain Ping ay halos 11 kilometro sa gawing silangan ng naturang county. Mahigit sa 78% ang forest coverage ng Mountain Ping, kaya tinatawag itong likas na "oxygen bar."
Tunel patungo sa ilalim ng canyon
Tila-lumulutang na mga bangka
Umabot sa mahigit 1000 metro ang lalim ng lagusan sa canyon ng Mountain Ping. Mula sa halos taluktok ng bundok, puwede kayong lumakad sa tunel na may 713 palapag, para bumaba sa canyon. Doon, matutuklasan ninyo ang malinaw na ilog na makikita ang ilalim, at parang lumulutang ang mga bangka sa ilog, dahil sa napakalinaw na tubig.
Sa ilalim ng canyon
Editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |