|
||||||||
|
||
Sa katubigan sa dakong silangan ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, kung saan pumasok sa dagat ang Yangtze River, matatagpuan ang mahigit sa 400 maliliit na isla. Isang isla sa mga ito ang pinanirahan noong araw ng mga mangingisda, itinayo ang isang nayon, pero nilisan at pinabayaan pagkatapos. Hindi nagtagal, ang bakanteng mga tirahan ay nagmistulang luntiang hardin. Mabilis na lumalaki ang napakaraming ligaw na halaman, at halos tinatakpan ng mga ito ang mga dating tahanan ng mga lokal na residente.
Kamakailan, napasyal sa islang ito ang isang potograpo, at kinuha niya ang mga larawan ng kagila-gilalas na tanawin doon, para saksihan ang ganda at pag-usbong ng buhay ng inang kalikasan.
Editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |