|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon sa Washington D.C. si Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, kina Susan Rice, National Security Advisor ng Pangulong Amerikano, at Anthony Blinken, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sa kanilang pagtatagpo, ikinagagalak ni Fan ang progreso sa relasyon ng hukbo ng dalawang bansa. Binigyang-diin niyang dapat aktibong itatag ng dalawang panig ang relasyong militar, na may-paniniwala sa isa't isa, kooperatibo, sustenable at walang sagupaan.
Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ng dalawang panig ang pagpapalagayan at isasagawa ang aktuwal na kooperasyon para hawakan at kontrolin ang mga nakatagong krisis.
Sinang-ayunan ni Rice ang sinabi ni Fan hinggil sa relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa. Ipinahayag niyang lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan ng Amerika at Tsina hinggil sa mga isyung pandaigdig, na gaya ng isyung nuklear ng Iran, paglaban sa terorsimo, pagbabago ng klima, at paglaban sa Ebola Virus.
Umaasa rin siyang ibayo pang pahihigpitin ng mga hukbo ng dalawang bansa ang mga kooperasyon at pagpapalitan.
Ipinahayag naman ni Blinken na ang isang matatag at mainam na relasyong militar ng Amerika at Tsina ay napakahalaga para sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Umaasa siyang patuloy na palalalimin ng mga hukbo ng dalawang panig ang estratehikong pagtitiwalaan, at pabubutihin ang mga mekanismo ng pagpapalitan.
Bukod dito, nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa mga isyu ng South China Sea, Taiwan, at Cyber security.
Sina Fan Changlong (kanan sa litrato), Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, at Anthony Blinken, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |