|
||||||||
|
||
Inilunsad ng China Eastern Airlines simula noong Sabado ang Guangzhou-Laoag Flights. Isandaang pasahero ang sumakay sa kauna-unahang flight mula probinsyang Guangdong ng Tsina, patungong Laoag International Airport (LIA).
Ayon sa Department of Tourism (DOT), lilipad ang chartered flight dalawang beses bawat linggo. Umaasa rin ito na ang nasabing flight ay aakit ng mas maraming turistang Tsino. Ang Guangzhou ay punong lunsod ng lalawigang Guangdong, isa sa mga maunlad na rehiyon sa dakong timog silangan ng Tsina.
Maraming magagandang lugar ang puwedeng pasyalan ng mga turista sa Laoag: halimbawa, mga beach ng Ilocos Norte, sand dunes, historical destinations, at siyempre tikman ang mga local cuisine.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |