Binuksan kamakalawa ng China Southern Airlines ang direktang flight sa pagitan ng Guangzhou, kabisera ng lalawigan sa dakong timog ng Tsina, at Nha Trang, baybaying-lunsod sa Khanh Hoa, lalawigan sa dakong gitna ng Biyetnam.
![]( /mmsource/images/2015/06/22/cba8f43e319b4b85809bd627340c31d1.jpg)
Ayon sa nasabing air company ng Tsina, bilang pagtupad sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o Belt and Road Initiative na naglalayong pasulungin ang magkakasamang pag-unlad at pahigpitin ang konektibidad, binuksan ang nasabing direktang flight sa pagitan ng Tsina at Biyetnam.
Salin: Jade