Binuksan kaninang umaga sa Beijing ang Ika-4 na World Peace Forum. Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina.
Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, binubuo ng buong sangkatauhan ang komunidad ng komong kapalaran, at ang kapayapaan at katiwasayan ay paunang kondisyon ng usaping ito. Aniya, bilang tagapagsuporta at tagapagpasulong sa komunidad ng komong kapalaran ng sangkatauhan, nanawagan ang Tsina para sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at katiwasayan, sa pamamagitan ng pag-uunawaan, pagkokoordinahan, at pagtutulungan.
Ang tema ng kasalukuyang World Peace Forum ay "Overcome Difficulties: Understanding, Consultation, and Reciprocity." Kalahok dito ang halos 500 personahe na kinabibilangan ng mga dating estadista at iskolar na Tsino at dayuhan.
Salin: Liu Kai