|
||||||||
|
||
Ang uniform ng Shenzhen Middle School ay nakadispley ngayon sa Victoria and Albert Museum sa London.
Ayon sa museong ito, ang uniform ng nasabing paaralan ay maganda at comfortable, at isinusuot pa rin ito ng mga estudyante pagkatapos ng klase. Anito pa, ang nasabing uniform ay nagpapakita ng kultura ng Tsina, at lumitaw na rin ito sa mga comics. Sa mga larawan sa ibaba, makikita natin ang pagbabago ng uniform ng mga paaralang Tsino nitong nakalipas na isang daang taon.
1916-Nakasuot ng uniform ang mga estudyanteng babae ng Beijing Pei Hwa Girls' Middle School. Noong panahong iyon, ang pagsusuot ng uniform ng mga babae sa paaralan ay simbolo ng progreso ng lipunan.
1940-Ang uniform ng mga esutdyante ng Pooi To Middle School ay may estilo ng Chi-pao ng Tsina. Hanggang ngayon, suot pa rin ng mga estudyate ng nasabing paaralan ang uniform na ito.
1948-Ang mga estudyante ng Tsinghua University ay naka-uniporme para lumahok sa palakasan.
Noong dekada 70, naging popular ang mga uniform na binubuo ng puting shirt at asul na pantalon.
Noong dekada 80, ang uniform para sa mga babae ay overalls, at puting shirt at asul na pantalon naman para sa lalaki.
Noong dekada 90, naging mas popular ang mga sports wear bilang uniform.
Ngayon, ang uniform ng mga estudyante ay binubuo ng formal suit at casual wear. Ang karamihan sa mga ito ay ginawa ng mga kompanya ng outdoor brand.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |