Dumating kagabi sa Paris, Pransya si Premyer Li Keqiang ng Tsina para pasimulan ang kanyang pagdalaw rito. Ipinahayag ng Premyer Tsino ang pag-asang ibayo pang mapapalalim ang pagtitiwalaang pampulitika at tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Pransya, mapapabilis at mapapabuti ang pragmatikong bilateral at trilateral na pagtutulungan, at mapapasulong ang pagpapalitan ng dalawang panig sa kultura, siyensiya at teknolohiya. Ito aniya ay para mapalakas ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Sa pananatili sa Pransya, makikipag-usap si Premyer Li sa mga miyembro ng lideratong Pranses, at dadalo rin siya sa Industrial and Commercial Summit ng Tsina at Pransya.
Nauna rito, dumalo si Premyer Li sa katatapos na 17th China-EU Summit.