Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at Pangulong Pranses, nag-usap

(GMT+08:00) 2015-07-01 09:06:02       CRI

Nakipag-usap kahapon sa Paris si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangulong François Hollande ng Pransya. Ipinaabot muna ng Premyer Tsino sa Pangulong Pranses ang pagbati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya para sa pagpapahigpit ng pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, pagpapataas ng estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong pagtutulungan, pagpapalakas ng pagtutulungan at koordinasyon sa mga isyung may kinalaman sa kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng daigdig. Binigyang diin ni Li ang mataas na pagpahalaga sa pagsisikap ng Pransya para idaos ang UN Climate Change Confenrence sa Paris, at nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon at koordinasyon sa Pransya para sa pagtatamo ng resulta sa pulong.

Ipinahayag naman ni Pangulong François Hollande ang pagtatanggap sa mga bisitang Tsino. Sinabi niyang pumasok sa bagong yugto ang komprehensibong partnership ng Tsina at Pransya, at makikinabang ang mga mamamayang Tsino at Pranses mula rito. Aniya, pisitibo ang Pransya sa isinasagawang hakbang ng Tsina para sa pagbago ng klima. Ito ay magsisilbing hindi lamang pagkatig sa tagumpay ng nasabing pulong, kundi mahalagang pagkakataon din para sa komunidad ng daigdig sa pagharap ng pagbago ng klima at sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>