Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Estratehiyang panseguridad ng Rusya, isasaayos

(GMT+08:00) 2015-07-04 14:17:06       CRI

Sa pinalaking pulong ng National Security Council ng Rusya kahapon, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na dapat analisahin ng mga may kinalamang departamento ang mga kinakaharap na hamon at banta sa pulitika, kabuhayan at impormasyon para isaayos ang estratehiyang panseguridad ng bansa.

Pinalawig kamakailan ng Unyon Europeo (EU) ang sangsyon sa kabuhayang Ruso at tinatalakay din ng Amerika ang hinggil sa pagpapahigpit ng sangsyon sa Rusya. Kaugnay nito, sinabi ni Putin na walang pag-asang babaguhin ng mga kanluraning bansa ang di-mapagkaibigang atityud sa Rusya sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa niyang patuloy na isasagawa ng kanyang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa ibang mga bansa sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't isa at di-pagkasira sa kani-kanilang kapakanan, soberanya at katiwasayan.

Ipinahayag ni Putin na buong sikap na pasusulungin ang integrasyong pangkabuhayan ng Commonwealth of Independent States (CIS) at mga kooperasyon ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) at mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>