Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hapon, magkakaloob ng 750 bilyong Japanese Yen sa mga bansa sa rehiyon ng Ilog Mekong

(GMT+08:00) 2015-07-06 17:23:06       CRI

Sa Tokyo, Hapon—Idinaos dito kamakalawa ang summit ng Hapon at mga bansa sa rehiyon ng Ilog Mekong. Sa naturang summit, ipinangako ng Hapon na sa darating na 3 taon, magkakaloob ito ng 750 bilyong Japanese Yen (o halos 6.1 bilyong dolyares) na Official Development Assistance sa mga nasabing bansa.

Si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang nangulo sa naturang isang araw na summit. Dumalo rito sina Punong Ministro Prayuth Chan-o-cha ng Thailand, Pangulong Thein Sein ng Myanmar, Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, at Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam. Pinagtibay sa pulong ang "Bagong Estratehiya ng Tokyo sa Taong 2015." Ang nukleong nilalaman nito ay pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura sa rehiyon ng Ilog Mekong. Ipinahayag ng iba't ibang kalahok na panig na isasagawa ang kooperasyon para maisakatuparan ang "de-kalidad na paglago" ng rehiyong ito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>