Pupunta sa Ufa, Rusya, sa malapit na hinaharap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para dumalo sa ika-7 pagtatagpo ng mga lider ng Britanya, Rusya, India, Tsina, at Timog Korea (BRICS), at ika-15 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa news briefing sa Beijing ngayong araw, isinalaysay ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga may kinalamang impormasyon hinggil sa gaganaping biyahe ni Xi.
Biniyang-diin ni Cheng na ang muling pagdalaw ni Xi sa Rusya pagkaraan ng dalawang buwan, at paglahok sa Summit ng SCO ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng panig Tsino sa rehiyong Europeo-Asyano at SCO. Lalagdaan at ipapalabas aniya ni Xi, kasama ng mga lider ng ibang kasaping bansa, ang "Deklarasyon ng Ufa." Bukod dito, aaprobahan din ang isang serye ng mga dokumento na kinabibilangan ng "Estratehiya ng Kaunlaran ng SCO hanggang Taong 2025," lalagdaan ang "Kasunduan ng mga Kasaping Bansa ng SCO sa Kooperasyong Pandepensa," pagtitibayin ang mga resolusyon hinggil sa pagsisimula ng prosidyur ng pagtanggap ng pagsapi ng India at Pakistan sa SCO, ipapalabas ang pahayag ng mga lider ng mga kasaping bansa hinggil sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Fascist War ng daigdig, ilalabas ang pahayag tungkol sa pagharap sa isyu ng droga, at ilalabas ang komunike ng summit.
Salin: Vera