Mula kahapon hanggang ika-11 ng kasalukuyang buwan, idinaraos sa Lanzhou, lalawigang Gansu ng Tsina, ang Ika-21 China Lanzhou Investment at Trade Fair. Bukod sa Belarus, host country, lumahok dito ang mahigit 800 bahay-kalakal mula sa 16 na bansang gaya ng Singapore, Cambodia, limang bansa sa Gitnang Asya, Turkey, India, Iran, at Hong Kong at Macao ng Tsina.
Ipinahayag ni Pramoj, Prince ng Thailand, na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang plataporma ng naturang perya. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang pagpapalitang Thai-Sino sa mga aspektong gaya ng kabuhayan at kultura.
Sinabi naman ng opisyal ng Ministri ng Industriya ng Thailand na kasalukuyang itinatayo ng Tsina ang "One Belt at One Road," at napakalaki dito ng pagkakataong komersyal.
Salin: Li Feng