Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ipinatalastas kahapon ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na nahawahan ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) coronavirus ang isang lalaking dayuhan mula Dubai sa Manila noong isang buwan. Siya ang ikalawang kumpirmadong maysakit ng MERS sa loob ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nagpapagamot sa ospital, at bumubuti ang kalagayan niya.
Tungkol dito, ipinahayag ng Pamahalaang Pilipino na walang anumang bakas ng pagkalat ng epidemiyang ito.
Salin: Li Feng