Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Theme exhibition sa ika-78 anibersaryo ng pagsiklab ng Anti-Japanese War ng Tsina, binuksan

(GMT+08:00) 2015-07-07 17:06:30       CRI

Sa Museum of the War of Peoples Resistance Against Japanese Aggression — Isang eksibisyon ang idinaos ngayong araw bilang paggunita sa ika-78 anibersaryo ng pagsiklab ng Anti-Japanese War ng sambayanang Tsino. Dumalo rito ang mga lider ng partido at bansa na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, at iba pa.

78 taon na ang nakararaan, isinagawa ng militarismong Hapones ang "Lugou Bridge Incident" na ikinasindak sa loob at labas ng Tsina, at inilunsad ng Hapon ang komprehensibong pagsalakay sa Tsina. Sa gayo'y nagsimula ang Anti-Japanese War ng sambayanang Tsino.

Ayon sa ulat, sa loob ng darating na araw, idaraos ng panig opisyal at di-pampamahalaan ang isang serye ng aktibidad bilang maringal na paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng nasabing digmaan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng eksibisyon, ipinahayag ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC, na ang layon ng pagdaraos ng eksbisyong ito ay tandaan ang kasaysayan, alalahanin ang mga martir, pangalagaan ang kapayapaan, at likhain ang mas magandang kinabukasan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>