Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panukalang budget para sa 2016, susuriing mabuti ng mga mambabatas

(GMT+08:00) 2015-07-07 18:53:48       CRI

TINIYAK ng mga kabilang sa minorya sa Mababang Kapulungan na susuriin nilang mabuti ang panukalang higit sa P 3 trilyon budget para sa taong 2016 na dumaan kay Pangulong Aquino noong Lunes.

Ang Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Congressmen Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna, Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ng Gabriela, Terry Ridon ng Kabataan, Antonio Tinio ng ACT Teachers at Fernando Hicap ng Anakpawis ang magsasagawa ng masusing pag-aaral sa panukalang budget.

Ilalabas umano nila ang mga kaduda-dudang mga probisyong napapaloob sa 2016 budget proposal. Bukod sa pagsusuri sa panukalang budget, ipatatawag din nila ang mga kasapi ng Development Budget Coordinating Committee at mga pinuno ng mga kagawaran na mag-ulat kung paano nila ginastos at ginamit ang 2015 budget.

Ayon kay Congressman Ridon, nakakuha na ng mga impormasyon, datos at mga dokumento hinggil sa paggasta ng pamahalaan kaya't handa na silang magtanong sa panukalang budget.

Ang budget ng pamahalaan ay mula sa mga buwis na ibinayad ng mga mamamayan, mga kinita ng government-owned and controlled corporations at utang mula sa ibang bansa. Noon, may salaping nagmumula sa mga Overseas Development Assistance o ODA.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>