Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinakamababang inflation, naitala sa loob ng 20 taon

(GMT+08:00) 2015-07-07 18:55:42       CRI

ANG pagkakaroon ng sapat na pagkain at sinasabing "moderate price pressures" sa kuryente at petrolyo ang nagpababa ng inflation sa pinakamababang antas sa nakalipas na 20 taon.

Ayon sa National Economic and Development Authority, ibinalita ng Philippine Statistics Authority na ang headline inflation rate ay bumaba ng may 1.2% noong Hunyo ng taong ito mula sa 1.6% noong Mayo at 4.4% noong Hunyo ng 2014.

Sinabi ni NEDA Officer-In-Charge at Deputy Director General Emmanuel F. Esguerra na ang June 2015 inflation rate ang pinakamababa sa monthly inflation rate mula 1995 hanggang 2015 sa paggamit ng current base year na 2006. Mas mababa umano ito sa market expectation na 1.5% at nasa loob ng inflation target range na 2.0 hanggang 4.0 % na itinakda ng pamahalaan para sa taong ito.

Ang headline inflation sa food subgroup ay lumuwag noong Hunyo 2015 at natamo ang 2.1% mula sa 3.2% kasunod ng mas mabagal na price adjustments sa halaga ng bigas, karne, gulay at prutas.

Bukod sa pagkakaroon ng matatag at sapat na supply ng pagkain, nakinabang ang inflation mula sa nabawasang electricity prices dahilan sa mas mababang halaga ng halaga ng petrolyo. Ang double-digit year-on-year decline sa presyo ng unleaded gasoline, diesel, kerosene, liquefied petroleum gas o LPG at ang pagbaba sa singil ng Meralco ang naka-apekto sa oil at electricity-related commodities at services sa nakalipas na buwan.

Ayon kay Ginoong Esguerra, maliban sa PIlipinas, ang inflation sa Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand ay kinakitaan ng upward adjustments sa mga buwan ng Mayo at Hunyo ng 2015.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>