Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Samahan ng mga manggagawa, nanawagan sa tanyag na kumpanya

(GMT+08:00) 2015-07-07 18:56:47       CRI

PINUNA ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino ang Jollibee Food Corporation sa pahayag nito hinggil sa marapat na pagtrato ng mga manggagawa, partikular ang food delivery personnel matapos lumabas ang isang video sa mapagsamantalang customer na nanggoyo ng kanilang kawani makalibre lamang sa kanyang pagkain.

Hindi umano maunawaan ng mga manggagawa ang pahayag na inilabas ng isa sa pinakamalaking fastfood companies sa Pilipinas samantalang mismong ang kumpanya ay patuloy na nagpapatupad ng mga kalakarang kontra manggagawa. Ayon kay Leody de Guzman, national chairperson ng samahan, patid ng madla na karamihan sa kanilang 13,000 mga kawaniay pawang saklaw ng mga kontrata samantalang ang ilang regular na kawani ay pinagbabawalan pang lumahok sa mga samahan at union.

Nagsimula ang kontrobersya ng isang nagpakilalang Jay Bee ang nagkalat ng kanyang pahayag sa social media na intension at sinadya niyang tinagalan ang pagsagot sa tawag ng building security upang mahuli ng isang minute ang delivery ng pagkain upang makinabang ng P 200 pabuya sa pamamagitan ng gift certificates. Naglabas ng pahayag ang Jollibee public relations director Arline Adeva ng pahayag na nananawagan sa madlang tratuhin ng maayos ang kanilang mga kawani.

Ani de Guzman, karapatan ng Jollibee na manawagan sa madla subalit mas kakabubuting tingnan muna nila ang kalagayan ng kanilang mga kawani at mabigyan ng angkop na karapatan ayon sa Saligang Batas ng bansa. Kabilang si kanyang tinuligsa ang pagtangging gawing regular na mga kawani ang mga manggagawa matapos ang limang buwang paglilingkod.

Kasama sa talaan ng Forbes Magazine si Tony Tan Catkiong bilang ikaanim na pinakamayamang Filipino na mayroong US$ 2.3 bilyon sa kanyang pangalan. Madali umanong isiping mula sa pawis ng kanyang mga nabibiktimang contractual employees ang malaking bahagi ng kanyang yaman, dagdag pa ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino..

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>