Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Joint Working Group Meeting para sa pagpapatupad sa DOC, tapos na

(GMT+08:00) 2015-07-07 11:59:06       CRI

Sa regular na preskong idinaos kahapon sa Beijing, inilahad ni Tagapagsalitang Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga katugong pangyayari at resultang natamo sa 14th Joint Working Group Meeting para tupdin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea(DOC) na idinaos sa Malaysia, mula unang araw hanggang ika-3 ng Hulyo.

Sinabi ni Hua na ang pagdaraos ng nasabing pulong ay para komprehensibo at mabisang tupdin ang DOC, at tamuin ang positibong progreso sa pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan sa karagatan at negosasyon hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea(COC). Aniya, binalangkas na sa pulong ang pangalawang komong palagay hinggil sa negosasyon ng COC, concept documents hinggil sa Terms of Reference of the Eminent Persons and Experts Group (EPEG) at pagtatatag ng senior officials' hotline platform para sa mga pangkagipitang pangyayaring posibleng maganap sa karagatan, sa pagitan ng Ministring Panlabas ng Tsina at mga bansa ng ASEAN. Isusumite ang mga ito sa pulong sa mataas na antas ng dalawang panig, sa katapusan ng buwang ito, dagdag pa niya.

Tinukoy din ni Hua na tinalakay ng mga may-kinalamang panig sa di-pormal na pulong na pinamagatang "Ligtas na Paglalayag, Paghahanap at Pagliligtas" ang hinggil sa pagpapatupad sa pagtatatag ng hotline platform ng Tsina at ASEAN sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan. Napagpasiyahan aniya nila ang pagsasagawa ng point-to-point hotline communication sa pagitan ng mga katugong departamento ng dalawang panig, at pagpasimula ng unang yugto ng usaping ito.

May Kinalamang Babasahin
Tagapagsalita
v Hapon, dapat isagawa ng mga konkretong aksyon-Tsina 2015-07-07 11:59:52
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>