Ayon sa Ministring Panlabas ng Myanmar, sa ika-79 na Komisyong Tagapagpaganap ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na idinaos nitong Huwebes sa Hague, idineklara ni Ministrong Panlabas Wunna Maung Lwin ng Myanmar ang pagsumite ng kanyang bansa ng instrument of ratification ng "Convention on the Prohibition of the Development, Production, Stockpiling and Use of Chemical Weapons and on Their Destruction" sa United Nations (UN) sa New York nitong Miyerkules. Ipinahayag din ng opisyal ang pagsapi ng Myanmar sa OPCW. Ang ulat na ito ay mula sa pahayagang "New Light of Myanmar."
Salin: Li Feng