|
||||||||
|
||
Sa Sentro ng UN sa Vienna--Mga kalahok na kinatawan ng iba't ibang panig sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran
Dumalo kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Iran at 6 na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran. Narating sa pulong ng iba't ibang panig ang komprehensibong kasunduan sa paglutas sa naturang isyu. Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, lumagda sa kasunduan si Wang Yi.
Si Wang Yi, Ministronbg Panlabas ng Tsina
Pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Wang na natapos ngayong araw ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na tumagal ng 13 taon. Ang araw na ito ay may historikal na katuturan.
Aniya, bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council, natanto ng Tsina ang sariling responsibilidad at obligasyon sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig. Palagian itong nakikisangkot sa buong proseso ng talastasan batay sa konstruktibong pakikitungo. Sa susunod na hakbang, maraming gawain ang dapat gawin para sa pagpapatupad ng naturang kasunduan. Patuloy na gagawa ang Tsina ng bagong ambag dito, batay sa responsableng atityud, dagdag ni Wang.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |