Ipinahayag kahapon ni Chatchai Sarikalya, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na malaki ang nakatagong lakas nila ng Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa hinaharap. Kaya matibay ang pananalig niya sa kinabukasan ng kalakalan ng dalawang bansa.
Ipinahayag din niya ang pananalig sa kooperasyon ng dalawang panig sa transportasyon at paghahatid ng kalakal sa hinaharap.
Bukod dito, sinabi niyang dahil sa mahalagang posisyong heograpikal ng kanyang bansa sa Timog-silangang Asia, ang "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" initiative ay makakatugon sa kahilingan ng pag-unlad ng Thailand.