Nagtagpo kahapon sa Singapore si Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng bansang ito at ang dumadalaw na si Joko Widodo, Pangulo ng Indonesia. Sinang-ayunan nila ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang panig sa seguridad at kabuhayan.
Sa larangan ng seguridad, isasagawa ng dalawang bansa ang mga pagpapalitan at kooperasyon sa mga larangan na gaya ng impormasyon, paglaban sa terorismo, korupsyon at transnasyonal na krimen.
Sa larangan ng kabuhayan, pasusulungin ng dalawang bansa ang pag-unlad ng turismo at pasisiglahin ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal ng Singapore sa Indonesia.
Ito ang kauna-unahang dalaw pang-estado ni Joko Widodo sa Singapore pagkatapos ng panunungkulan niya bilang pangulo ng Indonesia.