Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Grace Poe, hindi magugulat kung iba ang itaguyod ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2015-07-30 11:05:39       CRI

HINDI magtataka si Senador Grace Poe kung si Interior Secretary Manuel Araneta Roxas II ang i-inderso ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sapagkat iisa naman ang partidong kanilang pinagmulan.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag, sinabi ni Senador Poe na palagi namang sinasabi ni Pangulong Aquino sa kanya ay naiintindihan niya ang lahat at magagawa na nais nilang gawin lalo't makabubuti sa bansa. Nagpapasalamat din siya sapagkat kinilala siyang presidential candidate ni G. Aquino.

Ipinaliwanag pa ng senador na ilang ulit silang nag-usap ni Pangulong Aquino hinggil sa nalalapit na halalan. Wala naman umanong inialok ang pangulo sa kanya na maging pangalawang pangulo ni Secretary Roxas.

Wala pang deklarasyon sina Senador Poe at Secretary Roxas ng kanilang balak sa darating na halalan kahit pa isinusulong ng Partido Liberal si G. Roxas na kumandidato na sa panguluhan kahit pa nangunguna sa mga nakalipas na survey si Senador Poe.

Hindi naman umano siya umaasang siya ang i-indorso ni Pangulong Aquino sapagkat mahirap mabigo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>