|
||||||||
|
||
Isang pagtatanghal hinggil sa Shaolin Kung Fu ang idinaos kagabi sa Bangkok, Thailand, bilang pagdiriwang sa kaarawan ng Reyna at Prinsesa ng Thailand, at ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng Thailand at Tsina. Mahigit 1,000 katao ang namangha sa Shaolin Kung Fu show na itinanghal ng delegasyon ng mga monk ng Shaolin Temple. Ayon sa itinakdang plano, dadalo si Shi Yongyin, Buddhist abbot ng Shaolin Temple, pero, hindi siya nakarating. Sa halip, nagpadala na lamang siya ng mensahe na nagsasabing "hindi siya makakadalo dahil sa napakaraming suliranin sa loob ng bansa."
Sa kasalukuyan, si Shi Yongxin ay nasasadlak sa mga negatibong balita, gaya ng korupsyon at pagkakaroon ng ilehitimong anak. May kaugnayan ba sa iskandalo ang kanyang hindi pagpunta sa Thailand? Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umiimik ang Shaolin Temple, at tila hindi rin ito apektado ng negatibong public opinion.
Tulad ng dati, dumadalaw pa rin ang libung-libgong turista mula sa Tsina at ibayong dagat sa nasabing sinaunang templong kilala dahil sa mga Kung Fu monk. Ginagawa pa rin ng mga monk sa loob ng templo ang kanilang pang-araw-araw na gawain. Nang kapanayamin sila ng media, inihayag nila ang paniniwalang na malinis ang kanilang "Shifu," ang Buddhist Abbot na si Shi Yongxin.
Salin:Wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |