Isang serye ng macro shot ng mga kulisap ang inilabas kamakailan ni Kutub Uddin, potograpo ng Britanay. Mula sa kanyang kamera, parang naging dambuhala ang maliliit na kulisap.
Ginamit ni Uddin ang close-up at filters para ipakita ang peculiar na kulay ng mga kulisap. Sa nasabing mga larawan, nakikita natin ang mga mata at balahibo ng mga kulisap. Ang damselfly ay parang tigre, ang mantis ay nagmukhang villain na nakasuot ng cape, at ang tipaklong naman ay parang prehistoric creature.
Si Kutub Uddin ay mahilig sa pagkuha ng mga peculiar na karawan ng kalikasan. Aniya, ang kanyang pagmamahal sa kalikasan ay bahagi ng kanyang buhay.
Salin: Andrea