Sa pamumuno ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, ang mga miyembro ng Pasuguang Tsino ay nagsadya sa Kalemyo, siyudad sa Sagaing Province, isa sa mga lugar ng bansa na pinakaapektado ng baha, para mabigyan ang mga residenteng lokal ng materyal na humanitaryan.
Ibinigay ng Pasuguang Tsino ang tig-isang bag ng pangkagipitang tulong sa 1,545 apektadong pamilya sa Kalemyo. Kabilang sa mga laman ng bag ay pagkain, tubig na maiinom, kumot, kulambo at gamot.
Pinasalamatan ng mga mamamayang lokal ang Pagsuguang Tsino bilang unang embahadang dayuhan na nagkakaloob ng tulong.
Nakatakdang magtungo ngayong araw ang Embahador Tsino, kasama ang mga miyembro ng Pasuguan, sa Sittwe, Rakhine State para maibahagi ang pangkapigitang materyal sa 20,000 nabiktimang pamilya.
Ang pangkagipitang tulong ng Pasuguang Tsino ay nakarating din sa ibang apektadong lugar na gaya ng Magway Province.
Bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 12 sa 14 na lalawigan/estado ng Myanmar ang nasalanta ng baha. Di-kukulangin sa 47 ang namatay at mahigit 200,000 mamamayan ang apektado.
Salin: Jade