Ang nakikita ninyo ay isang artificial canal na naitayo sa matarik na dalisdis.
Matatagpuan ang kanal na ito sa pagitan ng Badong County at Changyang County ng Enshi, Lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina. Humigit-kumulang sa 2 metro ang lapad at mahigit sa 50 kilometro ang haba, ang kanal ay hinukay sa matarik na dalisdis na ang taas ay mahigit sa 1100 meters above sea level.
Noong 1967, sinimulan ang konstruksyon ng kanal na ito. Kalahok sa konstruksyon ang halos 10 libong manggagawa, pero dahil walang malaking makina, hinukay lamang nila ang kanal sa pamamagitan ng mga simpleng kagamitan, at gumugol ito ng 11 taon para itayo ang kanal. Ang kanal na ito ay naglalayong padaluyin ang tubig sa mga nayon sa kahabaan nito para sa irigasyon, tubig-inumin, pang-araw-araw na gamit, at puwede rin para sa pagpoprodyus ng koryente. Noong 2010, naitayo sa lokalidad ang isang water supply factory, at ang pinanggagalingan ng tubig ng pabrikang ito ay ang nasabing kanal. Ibig sabihin, hanggang sa kasalukuyan, naglilingkod pa rin ang kanal para sa mga residenteng lokal.
Editor: Liu Kai