Sa pakikipag-usap kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia sa kanyang Vietnamese counterpart na si Pham Binh Minh, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na kasalukuyang bumubuti ang relasyong Sino-Vietnamese. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Vietnam sa hinaharap para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pasulungin ang pagtitiwalaang pampulitika, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, pangalagaan ang katatagan sa karagatan, at maayos na hawakan ang mga alitan.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na positibo ang Vietnam sa pinapabuting relasyong Sino-Vietnamese. Nakahanda aniya itong magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang mataas na pagpapalitan, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa kalakalan, pamumuhunan, at karagatan.