Nagtagpo kahapon sa Kuala Lumpur sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Thongloun Sisoulith, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Laos.
Sinabi ni Wang na dapat panatilihin ng dalawang bansa ang pagdadalawan sa mataas na antas, pag-uugnayan sa estratehiya, at mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Pinasalamatan ni Thongloun Sisoulith ang pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng Laos. Sinabi niya na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon sa Tsina.
Bukod dito, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na tulungan ang konstruksyon ng mga imprastruktura ng Laos at ibang mga bansang ASEAN.