Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipagtagpo sa kanyang mga counterpart ng ASEAN

(GMT+08:00) 2015-08-05 16:23:25       CRI

Dumalo kahapon si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa serye ng pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Silangang Asya na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanyang pananatili roon, magkahiwalay na nakipagtagpo si Wang sa mga Ministrong Panlabas ng mga bansang ASEAN, na kinabiblangan nina Hor Nanhong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia, Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, Tanasak Patimapragorn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, Thongloun Sisoulith, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Laos, at Anifah bin Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Hor Nanhong, ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Cambodia, ang mga nagkakaisang posisyon na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang bilateral na relasyon.

Sinabi ni Hor Nanhong, na nakahanda ang kanyang bansa sa lumahok sa konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" initiative at Asian Infrastructure Investment Bank.

Bukod dito, kapwa nila ipinahayag ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa balangkas ng ASEAN.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pham Binh Minh, ipinahayag ni Wang na kasalukuyang bumubuti ang relasyong Sino-Vietnamese. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Vietnam sa hinaharap para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pasulungin ang pagtitiwalaang pampulitika, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, pangalagaan ang katatagan sa karagatan, at maayos na hawakan ang mga alitan.

Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na positibo ang Vietnam sa pinapabuting relasyong Sino-Vietnamese. Nakahanda aniya itong magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang mataas na pagpapalitan, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa kalakalan, pamumuhunan, at karagatan.

Sa kanyang pagkikipagtagpo kay Tanasak Patimapragorn, sinabi ni Wang na dapat buong sikap na isakatuparan ng dalawang bansa ang konstruksyon ng mga malaking imprastruktura at palalimin ang kooperasyong panseguridad.

Sinabi naman ni Tanasak Patimapragorn na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura at seguridad.

Bukod dito, sinabi ni Wang na patuloy at matatag na kakatigan ng Tsina ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, konstruksyon ng ASEAN Community at pagganap ng pangunahing papel ng ASEAN sa mga kooperasyon ng Silangang Asya.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Thongloun Sisoulith, sinabi ni Wang na dapat panatilihin ng dalawang bansa ang pagdadalawan sa mataas na antas, pag-uugnayan sa estratehiya, at mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Pinasalamatan ni Thongloun Sisoulith ang pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng Laos. Sinabi niya na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon sa Tsina.

Bukod dito, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na tulungan ang konstruksyon ng mga imprastruktura ng Laos at ibang mga bansang ASEAN.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Anifah bin Aman, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng Malaysia, ang mga kooperasyon sa mga larangan na gaya ng konstruksyon ng mga industrial park, enerhiya, space activity, komunikasyon, seguridad at kultura.

Ipinahayag naman ni Anifah bin Aman na mahalaga ang relasyon ng kanyang bansa at Tsina. Nakahanda aniya siyang walang humpay na palalimin ang mga kooperasyon ng dalawang bansa.

Kaugnay ng paghahanap ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, kapwa nila ipinahayag na patuloy na isagawa ang kooperasyon at maayos na hawakan ang mga susunod na gawain.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>