Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talakayan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War, idinaos sa Tokyo

(GMT+08:00) 2015-08-08 16:13:39       CRI
Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Hapon, idinaos kahapon sa Tokyo ang isang talakayan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War. Lumahok sa talakayan ang mahigit 40 personaheng kinabibilangan ng mga tauhan ng embahada, mga kinatawan ng mga samahan sa pagkakaibigang Sino-Hapones, at mga iskolar na Tsino at Hapones.

Sa talakayang ito, sinabi ni Cheng Yonghua, Embahador ng Tsina sa Hapon, na ang paggunita sa okasyong ito ay para magpahayag ng komong hangarin ng Tsina at Hapon sa pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ni Cheng na ang batayan ng relasyong Sino-Hapones pagkaraan ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan ay tumpak na pakikitungo at malalimang pagsisisi ng Hapon sa kasaysayan ng militarismong pananalakay. Aniya, bibigyan ng lubos na pansin ng komunidad ng daigdig, kabilang ang Tsina, ang pahayag kaugnay ng kasaysayan na ilalabas ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Umaasa aniya siyang ipapakita ni Abe ang responsableng atityud sa digmaan, at katapatan sa mga mamamayan ng mga nabiktimang bansa, at ipapangako rin ang paggigiit sa mapayapang landas.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>