Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, noong unang limang (5) buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 1.64 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng Foreign Direct Investment (FDI) na naakit ng Pilipinas. Ito ay mas mababa ng 41.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ipinalalagay ng tagapag-analisa na sa hinaharap, posibleng haharapin ng Pilipinas ang situwasyon ng paghina ng FDI. Dahil sa gagawing pagbabago ng pamahalaan, posible nitong idulot ang pagkabahala ng mga dayuhang mangangalakal sa pagtutuluy-tuloy ng patakaran ng bansang ito.
Salin: Li Feng