Noong ika- 9 ng buwang ito, ipinagkaloob ng pamahalaan ng Nepal ang kauna-unahang passport sa transgender na si Monica Shahi.

Ayon sa Ministring Panlabas ng bansang ito, ang kasarian niya sa passport ay O, ibig-sabihin, "Other" na hindi lalaki, at hindi babae.
Sinabi ni Shahi na ikinagagalak niyang kinilala ng bansa ang kanyang pagkatao. Sinabi pa niyang ang kanyang pagsisikap para sa pagkilala ng bansa ay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa mga henerasyon sa hinaharap.

Bukod dito, umaasa rin siyang magiging ligal ang same sex-marriage sa kanyang bansa.