Ipinatalastas kahapon ng panig opisyal ng Pilipinas na noong ika-2 kuwarter ng taong ito, lumaki ng 5.6% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ipinalalagay ni Arsenio Balisacan, Kalihim ng Pagpaplano ng Kabuhayan ng Pilipinas, na ang paglaki ng kabuhayan noong ika-2 kuwarter ay bunga ng paglaan ng pamahalaan, partikular na malaking pagdaragdag ng laang-gugulin sa konstruksyong pampubliko. Aniya, ang pribadong pamumuhunan, pagluluwas, at konsumo ng mga pamilya, ay pawang nakakapagpasigla sa paglaki ng kabuhayan.
Dagdag pa niya, mahirap na isakatuparan ng pamahalaan ang target ng 7% hanggang 8% ng paglaki ng kabuhayan sa buong taon. Sa kasalukuyan, "mas realistiko" ang pagsasakatuparan ng 6% hanggang 6.5% ng paglaki ng kabuhayan sa kasalukuyang taon, aniya.
Salin: Li Feng