Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panalangin sa paggunita sa madugong Luneta Hostage Crisis idinaos

(GMT+08:00) 2015-08-28 20:50:04       CRI

PINAMUNUAN ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at Councilor Bernie Ang ang panalangin kasama ang mga Buddhist monks sa Quirino Grandstand kaninang umaga bilang paggunita sa walong foreign nationals na napaslang sa hostage crisis sa kamay ni Senior Inspector Rolando Mendoza noong ika-23 ng Agosto 2010.

Anim na Hong Kong nationals, isang Canadian, isang British at isang Filipino ang nasawi sa insidente. Mayroong 21 turista at apat na Filipino sa loob ng sinamang-palad na tourist bus.

Sa panayam pagkatapos na panalangin, sinabi ni Mayor Estrada na pananatiliin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod sapagkat kung walang peace and order, walang anumang magandang magaganap sa lungsod.

Hindi umano niya papayagang maganap ang ganitong pangyayari sa ilalim ng kanyang pamumuno. Subalit kung maganap man, siya at ang pulisya ay kikilos kaagad.

Sa panayam, sinabi ni Mayor Estrada na maganda ang pagtanggap sa kanya sa pagdalaw sa Hong Kong upang humingi ng paumanhin sa naganap na insidente kahit hindi pa siya ang nanunungkulan sa Manila City Hall.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>