Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apat na milyong tahanan ang kailangan ng Pilipinas ngayon

(GMT+08:00) 2015-08-28 20:50:44       CRI

AABOT sa 4,000,000 unit ng mga tahanan ang kulang sa mga mamamayan ng Pilipinas ngayon. Ito ang sinabi ni Charlito Ayco, Managing Director at Chief Executive Officer ng Habitat for Humanity sa Pilipinas sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Makati City.

Kung walang gagawin ang pamahalaan ngayon hanggang sa taong 2030, magkukulang ang mga tahanan ng may 6.5 milyong unit. Ipinaliwanag ni G. Ayco na ito ay mula sa isang pagsusuri ng University of Asia and the Pacific. Kahit pa umano magkaroon ng regular na pagtatayo ng may 200,000 unit sa bawat taon, patuloy pa ring lalaki ang bilang ng mga walang tahanan.

Isang dahilan kung bakit walang sapat na tahanan para sa mga mamamayan ay nakatuon sa halaga ng bawat bahay. Hindi kakayahin bayaran ng karaniwang manggagawa ang buwanang kabayaran para sa bahay. Napuna ring walang bisa ang paglilipat sa mga maralita sa labas ng Maynila. Nagpumilit bumalik ang mga nailipat na sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Kung sakali may may lupa sa Kalakhang Maynila, isang malaking hamon kung paano makakabayad ang nararapat makinabang sapagkat napakamahal ng lupa sa mga kilalang growth centers. Isyu rin ang market failure, dagdag pa ni G. Ayco.

Sa Housing Forum sa darating na Setyembre, pag-uusapan ang mga paraan upang mapakinabangan ng karamihan ang mga proyektong pangtahanan. Ibibigay ang mapapagkasunduan sa pulong sa Joing Congressional Initiative para sa pambansang Housing and Urban Development Summit sa Pebrero. Mayroong apat na technical working groups na nakikipag-usap sa iba't ibang sektor.

Umaasa pa rin si G. Ayco na makapapasa ang kanilang isinusulong na panukalang batas sapagkat kailangan na ito ng mga mamamayan at ng pamahalaan. Kailangan ang isang maliwanag na legislative agenda na ipatutupad ng susunod na administrasyon sapagkat dumaan na ito sa lahat ng alituntunin at konsultasyon.

Paghahandaan na nila at pagpaplanuhan kahit pa may bagong administrasyon sapagkat wala na siyang panahong bumuo pa ng batas upang tugunan ang mga problema sa pabahay ng mga Filipino. Nakasama na sa konsultasyon ang mga maralitang taga-lunsod, pamahalaan at iba't ibang grupo.

Ikinalungkot ni G. Ayco na wala pa siyang naririnig na konkretong pahayag hinggil sa housing sector ng mga nananaginip maging pangulo ng bansa. Kung mayroon man, ani G. Ayco, ito ay nasa isa o dalawang pangungusap lamang.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>