Nang kapanayamin sa kanyang tanggapan kahapon ng mga mamamahayag na Tsino, nagpahayag si Joseph Ejercito Estrada, dating Pangulo ng Pilipinas at Mayor ng Maynila, ng paghanga sa natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina. Aniya, dapat sumapi ang Pilipinas sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinatatag sa ilalim ng mungkahi ng Tsina.
Ipinalalagay niyang kailangang-kailangan ng Pilipinas ang pagpapabuti ng imprastruktura, at "umaasang tutulungan kami ng Tsina." Nananalig siyang sa pangmalayuang pagtanaw, may pag-asang bubuti ang relasyong Sino-Pilipino. Umaasa aniya siyang mapagkaibiga't mapayapang malulutas ang mga kinauukulang alitan sa pagitan ng dalawang bansa. "Posibleng may magkaibang kaisipan ang susunod na pangulo ng Pilipinas," dagdag pa niya.
Salin: Vera