Ilang libong demonstrador ang nag-rali kamakalawa sa Kuala Lumpur, Malaysia. Hiniling nila na isagawa ang reporma sa sistema at proseso ng halalan, at dagdagan ang transparency ng pamahalaan.
Ang naturang demonstrasyon ay itinaguyod ng Coalition for Clean and Fair Elections (BERSIH). Ang mga kahilingang iniharap ng mga demonstrador ay kinabibilangan ng pantay na halalan, transparent na pamahalaan, pagpapalakas ng sistema ng demonkrasya ng parliamento, pagliligtas ng pambansang kabuhayan at iba pa.
Ayon sa panig pulisya ng Malaysia, ilegal ang demonstrasyong ito, at pinalakas din ang seguridad at pagtatalaga ng mga pulis sa lugar bago idaos ang demonstrasyon.
Salin: Li Feng