Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komperensiya ng Pagpapalitan sa Turismo at Kultura ng Tsina at Thailand, idinaos

(GMT+08:00) 2015-08-31 21:10:58       CRI

Idinaos kamakailan sa Phuket, Thailand, ang Komperensiya ng Pagpapalitan sa Turismo at Kultura ng Tsina at Thailand sa taong 2015. Ang aktibidad na ito ay itinaguyod ng Federation of Thai and Chinese Artists at Ai Jia You Science and Technology Ltd.. Lumahok dito ang mahigit 200 kinatawan sa iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Puno ng Phuket na palalim na palalim ang pagpapalitan sa turismo at kultura ng Thailand at Tsina. Aniya, sa mga turistang dayuhan sa Thailand, ang mga turistang Tsino ang pinakamarami. Aniya pa, ang komperensiyang ito ay makakabuti sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa, pagpapahigpit ng pagkaibigan ng mga mamamayan ng Thailand at Tsina, at pagpapalalim ng kanilang pag-uunawaan, para maglatag ng matatag na pundasyon sa pag-unlad ng relasyong Sino-Thai.

Sinabi naman ni Chen Jiang, Cultural Counselor ng Tsina sa Thailand, na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Thailand. Nakahanda aniya, ang Tsina, kasama ng Thailand, na palalimin ang kanilang estratehikong pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at galugarin ang bagong growth point sa kooperasyon sa puhunan at turismo, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>