IPINAGLULUKSA ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpanaw ni Undersecretary for Finance Francis M. Varela sa isang sakuna sa Lalawigan ng Rizal noong Sabado.
Sa pahayag ng Department of Education, pinapurihan nila ang pumanaw na opisyal sa pagsusulong ng education reforms lalo na ang pagtiyak na ang bawat kusing sa budget ng kagawaran ay mapapakinabangan ng bayan. Isang masugid na kalaban ng katiwalian, si Usec. Varela ang nagsulong ng ethical standards sa lahat ng mga transkasyon ng tanggapan.
Nakalagak ang kanyang labi sa La Salle Greenhills.