HINILING ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na bigyang-pansin ang mga insidente ng pananakit sa mga mamamahayag na naitala sa apat na araw na pagpoprotesta ng Iglesia Ni Cristo na nagtapos noong Lunes.
Sa isang pahayag, kinondena ng NUJP ang pambubugbog sa cameraman ng ABS-CBN na si Melchor Pinlac. Sinuntok sa panga, sa katawan at sa batok ng mga 'di kilalang tao samantalang sumisigaw na may pinapanigan ang biktima. Samantala, itinulak din ang reporter na si Olan Bola ng DzBB nang magtangkang siyang tumulong sa kasama sa hanapbuhay. Mabuti na lamang at 'di nasugatan si Pinlac, dagdag pa ng NUJP.
Kahit pa nasasaktan ang ibang sektor sa ginagawa ng mga kumpanya ng media, hindi ito sapat na dahilan na manakit ng mga mamamahayag samantalang sila'y na sa trabaho.
Nanawagan ang NUJP sa Iglesia Ni Cristo na maglabas ng public apology para sa mga mamamahayag na sina Pinlac at Bola.