|
||||||||
|
||
ALBAY, KABILANG NA SA HALL OF FAME SA GALING POOK AWARDS. Hawak ni Albay Governor Jose Sarte Salceda ang sipi ng sertipikong nagpaparangal sa lalawigan sa mga palatuntunan nito sa pagtugon sa climate change, disaster risk reduction and management at iba pang palatuntunang panglipunan. (Contributed Photo)
NAKASAMA na ang Lalawigan ng Albay sa "Hall of Fame" awardees ng "Galing Pook Awards" na ibinibigay sa mga nangungunang bayan, lungsod at lalawigan sa pagliingkod sa mga mamamayan.
Ani Govenor Jose Sarte Salceda, ipinalik lamang ng Albay ang biyayang natamo mula sa sambayanang Filipino matapos 46% ng ekonomiya ang napinsala na napalakas na bagyong "Reming" noong 2006. Sa tulong ng sambayanan, nakabangon ang Albay kaya't ibinabalik lamang ng pamahalaang-panglalawigan sa iba't ibang nangangailangan ang tulong sa oras ng kagipitan.
Naniniwala rin ang pamunuan ng lalagiwang maituwid at mapunuan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng mga mapaminsalang kalamidad.
Ipinakikita rin ng lalawigan ang pagkakaisa sa paniniwalang ang lahat ay makakapag-ambag sa kabutihan ng bayan. Mahalaga rin ang paghahanda sa anumang hamon at pangangailangan ng alinmang bahagi ng bansa, dagdag pa ni Governor Salceda sa isang pahayag.
Iginawad ang parangal noong nakalipas na araw ng Linggo sa isang pambansang pagtitipon sa Mall of Asia sa Pasay City na dinaluhann ng mga kinatawan ng pamahalaang pambansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |