Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

UN sa Europa: maayos na hawakan ang refugee crisis

(GMT+08:00) 2015-09-09 11:04:40       CRI
Hinimok ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang iba't ibang bansang Europeo na hawakan ang kasalukuyang refugee crisis batay sa responsableng atityud at makataong pamantayan.

Sinabi kahapon ni Stephane Dujarric, tagapagsalita ni Ban Ki-moon, na nakipag-usap sa telepono si Ban sa mga lider ng Austria, Czech, Alemanya, Gresya, Hungary, Poland, at Slovakia, hinggil sa nasabing isyu. Tinukoy ni Ban na ang karamihan sa mga refugee na pumasok sa Europa ay para lumikas mula sa digmaan at karahasan, at hindi dapat sila itangi. Hinahangaan niya ang mga lider ng naturang mga bansang Europeo sa kanilang pagsisikap sa paghawak ng refugee crisis, at hinimok din silang pigilin ang pagkamuhi, pagtatangi, at paggamit ng dahas sa mga refugee.

Ipinahayag din ni Ban na sa huling araw ng buwang ito sa New York, idaraos ng UN ang high-level meeting hinggil sa kasalukuyang refugee crisis.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>